Thursday, February 25, 2010
♥ mabuhay ang pilipinas :)
Nung pinanood ko 'to sa Youtube kanina, natuwa at natawa talaga ako kasi hindi naman lahat ng masamang bagay ay napunta sa 'Pinas. At base(ba-seh, hindi beys.. xp) sa maraming comments na nabasa ko dun, marami ring natuwa talaga. Nakakapagbigay siya ng HOPE, actually.
Nakakalungkot nga lang kasi may isang "hater" dun sa mga nagcocomment, si koldexx21. Mabigat sa loob yung mga pinagsasabi niya tungkol sa mga Pilipino, sa bansa nating "3rd world/basura" (coz that's how he ALWAYS refers our country to), sa "kababawan" at "kab0b0han" natin, etc. Grabe talaga. Para siyang Spawn of Satan. Syempre, marami ring galit sa kanya. Inaamin ko, anger talaga yung unang naramdaman ko towards sa kanya. Ayaw talaga magpaawat, ayaw talaga magpatalo. Walang pagod sa pag comment back, blah blah. Sa tingin ko, at least 1/2 Filipino siya kasi nagta-Tagalog siya(pero mali-mali siya mag-Tagalog), at siguro nakatira siya sa ibang bansa ngayon kasi kakaiba talaga yung pagiging mayabang niya. PERO panget din talaga siya mag-English. Hahaha. Anyway.. Punta tayo sa main point ko:
He's that person that almost everyone loves to hate.
Pero bilib din ako sa isang tao dun. Girl siguro siya. Maikli lang naman reply niya sa comment ni koldex, pero hindi ko yun makakalimutan kasi sinabi niya na parang kawawa naman siya and she'll pray for him.
WOW.
Saludo ako sa'yo, kung sino ka man. At sorry, hindi ko na maalala username mo. Awts. T_T xp
Bilib din ako sa mga nagcocomment dun kasi eventually hindi na nila sinasagot yung mga comments ni koldex. Talagaang binabaan na lang nila yung pride nila. Feeling ko pampam (papansin) lang naman yang koldex na yan. Masyado lang sigurong bitter sa buhay niya kaya nandadamay na lang ng iba. HAHAHA. XDDD
Masaya pala ako kasi kaninang lunch ko, nag sit-in ako sa bible study ni Pam. Parang nagkaroon ako ng review ng Word Study, at buti naman nakapag-share din ako ng thoughts, insights, and past learnings ko. AWWWWWWWW. Feeling ko talaga napapalapit na yung baptism ko. (Nanginig ako. XDDDDD)
Sige, alis na ako. Dapat maaga ako matulog ngayon kasi 6am-9:30pm na naman ako wala sa bahay bukas. Haggardness. T________________T
God help me!! :)
6:47 PM
